Wednesday, March 31, 2010

hindi ko na kaya :(

siya: bhala ka nga

ako: oh bahaLa taLaga ko ..nako, bhla ka nga .. hnde na tlga muna kta kkuspn, ang gana mu kausap .. sa pgkktaong to paninidigan q na.. BV. tsk3.

siya: ikaw bhala

ako: oo, ako talaga bahaLa .. konting konti na lang mwwLa na q.. mauubos nq sau, unti unti nqng nasasagad .. kelangan q nmang mgtira para sa sariLi q.. at para ndn sa iba ..

siya: dcsyon mu nman yan eh..

ako: decision q nga.. ggwn q un habang hnde pa q nkukumpleto ule .. kelangan qng mg charge .. mdmeng nwLa nung nabaLiw aq sau, ibbLik q muna lahat un .. para my mbgy pa q sa susunod .. salamat ha andme mung pnarealize sken .. gnun pala

Finally, nagawa ko na ang pinaka matalinong desisyon na pwede kong magawa sa buhay ko. Minsan kailangan nating lumayo para malaman naman nila kung gaano tayo kaimportante.

Hindi ako sigurado kung hahabulin ako, pero gusto kong mahalin naman muna yung sarili ko. Kawawa na masyado e, kung hindi ko pa to gagawin, unti unti na talaga kong mauubos at masasaid hanggang sa wala nang matira.

Ayokong dumating sa puntong pagsisihan ko yung hindi ko pagbitaw sa mga panahong hindi ko na talaga kaya.

:))

Yun lang. Salamat.

Monday, March 8, 2010

Pssssssh. Masakit e?

Huwag mong gamitin ang posisyon mo para mang-apak ng ibang tao. Wag mong pangaraping galangin ka ng mga taong nasa paligid mo dahil lang natatakot sila sayo, bagkus, pangarapin mong galangin dahil alam mong naniniwala silang karapat-dapat sayo ang salitang "respeto".

Kung hindi mo kayang umintindi, hindi bagay sayo ang intindihin.

Hindi mo naman kailangang ipangalandakan sa ibang tao na nagkamali sila e? Nasa nature na ng tao ang marealize na mali sila, kahit na kung minsan nahihiya silang aminin ito. Hindi mo na kailangang i-brag 'yun sa astang akala mo nasakop mo na lahat ng kagalingan at kabutihan sa mundo.

Nakakainis lang. Alam ko namang mali ako, kailangan pa bang ipamukha sakin yun para maramdaman kong wala akong kwentang tao? Hindi naman 'di ba?

Nagkakamali din naman kayo ah, kung pagsalitaan niyo ko wagas e.

Ayokong makulong sa presensyang ganyan ang mga tao. Hindi ko lang talaga maiwan 'yon dahil alam naman nating kailangan ko 'yon.

Kung papahirapan niyo ko, pwede wag niyong binibigla? Mahina kalaban. Ang dami niyo, isa lang ako. Ayoko na lang yung nagugulat ako. Yung tipong akala ko ayos, yun pala hindi na.

Minahal ko kayo sa pagaakalang minahal niyo na din ako.

Tao lang po ako, taong darang na darang sa pagkakamali.

Kung hindi niyo ko kayang intindihin, marahil hindi nga kayo yung mga taong nararapat kong kaibiganin.