This will be updated every day, for my body can't resist it's feeling in every way. I'm not good in writing though, I just love the feeling of expressing myself freely. Welcome to the world of sadness and excitement. It's Bianca's, and it'll gonna be so real.
Wednesday, October 28, 2009
Untitled.
Monday, October 26, 2009
TURN OFF~ed. :D
Sunday, October 25, 2009
Sobrang Magulo.
Saturday, October 24, 2009
Status?
------------------------------------
ano ba estado ng puso at isip ko ngayon?
marami akong napagtanto pag tapos ko mag Youth Camp..
pakiramdam ko bago lahat.. at bukod don, kailangan ko pa ng konting pagbabago..
hindi lang sa aspeto ng pisikal na kaanyuan, kung hindi pati na rin sa ugaling nakasanayan na. Hindi ito mabilis na mangyayari alam ko, dahil sabi nga.. "one at a time".
malinaw na sa sakop ng aking isip na kailangan ko talagang magpasalamat sa pang araw na araw na biyayang natatanggap.. hindi man perpekto ang lahat.. masaya paring gumising sa umagang may kumpletong bahagi ng katawan at walang lumuluhang puso.
alam kong kailngan ko na ding maging isang ganap na dalaga, sa pagkilos, pananalita, at lalo't higit sa kaugalian..
hindi ko lubos isiping ganito ang magigigng dulot sa akin ng camp.. Yung tipong biglaan.. yung kala ko wala lang, kala ko ordinaryo lang, pero hindi pala, hindi talaga.
sa mga susunod na dako ng buhay ko, alam ko, marami pang magbabago.. pagbabagong hindi lang ako ang maapektuhan, pati ang mga taong nakapaligid sa akin.
usapang puso naman. nako, tama na nga.
basta ang alam ko ngayon, walang imposible sa pangarap.. hindi man ngayon, pero alam ko makakarating din ako doon..
minsan naisip ko, kulang pa ba? at my nagbulong saking, "sobra pa.."
masakit isiping hindi lahat ng gusto naten ay ating nakukuha.. reyalidad yan.
pero minsan, sa isang kisap ng mata.. andiyan na pala.
malapit na.. malapit ng dumating ang panibgong dako ng buhay ko, kung san maipapakita ko sa mga nakakakilala sa aking nagbago na talaga ako..
malapit na yung mga panahong, wala na yung dating Bianca, ung Bianca na mainitin ang ulo, ung Bianca na madaldal, maingay, magulo.. yung Bianca na kaya ng dalhin lahat ng sakit na dinadala ng mga pangyayari sa puso niya. :) Yung Bianca'ng maipagmamalaki ng taong magmamahal sa kanya =)
------------------------------------
and I've learned, that love needs expression, but I learned to late.
Kung sino talaga si Bianca..
Buhay Voice Part 1
Ayon, Kabusy~han sa buhay ko.
Buti nga at nakakapag BLOG pa ako.
masayang masaya ang buhay ko ngayon,
Andyan ang pamilya ko, na ayaw akong payagang mag dorm sa kadahilanang mamimiss daw nila ko. HAHA
Andyan din ang mga kaklase ko na laging andyan pra i-update ako sa mga nanyayare sa mga klase namin, dahil lagi akong wala. Lalo na ang mga besfriends ko ngayon dun, [aya, kim, evelyn, des, meanne] -- partners in crime kung baga. ^^
Andyan ang mga kapatid, nanay, tita, tito ko sa TIP VOICE, (ayoko na isa isahin, baka my makalimutan ako.) na labis na ngpapasaya sa akin sa mga oras na nalulungkot ako dahil sa mga epal kong kaklase. :)
Andyan pa din nmn ang mga dati kong kaibigan na ngayong malayo na pero nararamdaman ko pa din.
Nung unang sabak ko sa TIP Voice, medyo nanibago, pero gusto ko to e. :D gusto ko ginagawa ko kaya kailangan kong harapin lahat. Napaka dami ko ng nasakripisyo, marami na ding binaliwala dahil dito, pero sabi nga nila, parte daw to. Kailangan kong mg adjust sa mga bagay bagay at kailangan ko talagang matutong mag manage ng time.
Masaya talaga ako, dahil ngayon, isa na kong opisyal na trainee sa organisasyong ito. Hindi na ako titigil, Hindi na ako mgququit (depende na lang kung sila mismo magtatanggal sa akin) :) Mananatili ako dito hanggang matapos ako ng kolehiyo. WOAH! OO totoo, maniwala kayo, ngayon lang ako tatapusin ng nasimulan. ^^
Sana lahat ng grades ko matataas, at walang maaepktuhan dahil sa mga extra curi. ko. ^^
(hindi to mukhang BLOG e, mukhang Privelege speech e. :p)
Eto na, magkwekwento ako, haha. XD
nung una, sa graphic studio..
AKO: kuya, dito ba ung exam para sa VOICE?
Kuya Norbi : yes, come in..
(ayan na, kinakabahan na ako..)
nang binigay ang test.. HALA! general info! takte, ba't ganon? gusto kong maging parte ng dyaryo ng eskwelahan kung san ako nagaaral, pero hindi ako mahilig makinig ng balita. TAKTE! patay na, mukhang hindi na papasa.
Second part, grammar, essay, spelling.. takte, hindi din ako magaling sa ganito, HAHA. wala na.
Third Part, hala, naming ito, my konek sa Adobe Photoshop.. patay tayo sakin!
at ang huli, essay type ito, may konting katanungan lamang na kailangang sagutin.
-----
Araw ng Biyernes..
Des: Hindi mo ba titignan ung results ng nakapasa sa exam ng voice?
AKO: hindi na siguro, hindi na ako umaasa. Mahirap yung exam e.
Des: anu kb! malay mo diba.. tignan naten, sayang kung andun ka pala.
AKO: nako, sige na nga. tignan lang natin a.
Des: oo naman.
(punta kaming office ng Voice.)
nakita ko pangalan ko,
Pascual, Bianca Marie L.
AKO: hala shet!!! totoo ba tong nkkta ko?
Des: sabi sayo e. ang galing mo naman!
Ako: chamba lang un! takte!
(tuwang tuwa ako, pinababalik kaming design ng sabado, 9am.)
Interview momentum..
grabi mga tanong, duguan na.
Okrayan ng Gawa..
hala, ayoko ng ganito, hindi pa ko professional para mg judge at mg critizize ng gawa ng mga co passers ko..
Pero kailangan talaga, hala hala..
Sana walang maoffend.
Hindi ko ginusto manlait, hehe. (PEACE!ΓΌ)
Ayan, nagpaalam ang mga editors na mgdedeliberation lang sila for 10-15 minutes.
ETO NA! pinapasok na sa office isa isa, unfortunately, ako ang nauna, haha. dami nilang sinabi, teary eyed na ako. :|
pero ayon, pinagreport ako ng monday.. (actually lahat kami.)
TASK PHASE.
may pinagawa, inassign din kami mgmaintain ng cleanliness sa labas, kung saan may mga cubicle..
naging task din namin ang mg circulate ng dyaryo, dapat si ate Laarnie partner ko, eh hindi nagtugma ang sched namin nung tuesday, so unfortuanately hindi siya nakasama ko.. nung hapong iyon, nakita ko si ate abby, tinanung ko siya kung nagcirculate na siya, sabi niya hindi pa, sa kagustuhan kong makapagcirculate, sabi ko sknya, "ate, samahan na lang kita, hindi ko na po kasi makita si ate laarnie e." sinabi niyang tanungin ko daw muna ung nasa loob na may position, which is ate Ivic. I ask ate Ivic, kung pwedeng si Ate Abby na lang samahan ko, pumayag naman siya, so I circulate newspaper with ate abby, YES! naexperience ko din. hehe, It was my first time kasi, na mapunta sa school newspaper, So I'm so clueless, my gash..:D
naging kaibigan ko agad ang mga co trainees ko, siguro sa tinataglay ko ding kafriendly~han.
nakukulitan sila sakin, natatawa sila sa mga banat ko, kaya nagkasundo kami agad..
---
MY goodness, another saturday..
(dito na kami nagkatanggal, at dito na malalaman ang talagang new sets of trainees.)
May natanggal sa lahat ng desgination, but they remain WildGuard.
Sad to say.. sinasabi ko pa sa co design comx passer ko nun..
"Ui pag napasok ka tas natanggal ako, balitaan mo na lang ako sa mga happenings dito a, dadalawin dalawin na lang kita dito pag may time ako."
(OHA! ang drama ko..)
Hindi ko kasi expected na mapapsok pa ko ulet, dahil na din cguro sa nasabi kong bad attitutde ko na pagging maldita.
Yung mga nanatili, pinabalik ng 1pm, mglunch daw muna kami.
kasabay ko si ben ben at kaye mag lunch.
ayan, ngkaroon ng 2nd departamental meeting after that tanggalan.. 1pm un nagstart, the time din na pinabalik kami. pero after mg start ang meeting, pinagawa muna kami ng special number, haha. at dahil rush, jai ho na lang nagawan ko ng steps para sa aming trainess.. natuwa naman sila e. ^^ okay na un.
tinanung kami kung anong expectation namin sa voice..
sinabi ko na parang titino ako dito sa Voice.
tinanung nila kung bakit, sabi ko..
"eh kasi po, mukhang hindi uubra kamalditahan ko dito.."
natawa sila. dont know why. :) hehe. sguro nga titino ako.
hehe. pinagreport ulit kami ng monday (july27), yun na daw talaga ang start ng training namin, after prelim week.
ayan, andming nag quit :| kesyo pinapagalitan daw sila, kesyo kailangan daw nila mgfocus sa studies, syempre nalungkot ako, kami, kasi we started sa 16 na official trainees, tapos ngaun, 12 na lang kami.. :| hayy so sad..
ngayon, ngttraining pa din kami, sana hindi na kami mabawasan, kasi sobrang close na talaga namin e..
T~T
yan ang buhay sa voice..
:]
sobrang busy, late lagi umuuwi, pero sobrang saya, exciting at masaya talaga. hehe. :D