madaling araw na naman.. nakatakda akong umalis mamaya (oct 26 2009) para pumunta sa pinakamamahal kong eskwelahan para mg enroll para sa second sem at para mgpunta sa office ng Voice para sa nakatakdang general cleaning..
zzzz. wala akong balak matulog.. kaya magbablog ako.
gusto kong baguhin ang pagiging imbalance, "IMBA" kung paiksiin..
hindi ko alam kung bakit ganito.. marahil.. simula pagkabata ay hindi ako nasanay matulog ng maaga. (isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi ako tumatangkad at tumataba.. binte lang lumalaki sakin.. tapos wala na..malakas naman akong kumaen.. henako, ewan ko ba.. ayoko ng mag isip pa. ang sakit sa bangs, kahit wala ako nun.)
nitong nagdaang mga linggo.. maraming nangyari sa buhay ko na talagang hindi ko lubos maisip na ganon.. nariyan ang pagtatakwil sa akin ng isang kaibigan, nariyan ang hindi nakapagsayaw dahil sa katangahan.. nariyan ang hindi pagsunod sa magulang at nariyan ang pagkadismaya sa schedule na hindi ko kayang panindigan..
minsan sa buhay ng tao.. hindi mahalaga kung ano ka.. hindi mahalaga kung ano ang nasa loob mo.. nakakainis lang pag dadating sa punto ng buhay mong.. alam mong ikaw yung tama pero walang kumakampi sayo.
bakit may mga taong nakahandang kumampi sa mali? masabi lang na isa siyang mabuting kaibigan?
ewan ko ba, tao nga naman. Magulo. Sobrang gulo.
I can't deny the fact na magulo din ang mga blog archive ko.
Pa segway segway ang kwento..
ako kasi ung blogger na kung ano sabihin ng utak, sulat.. sige sulat.. eh sadyang magulo ang YUUTAK ko, kaya magulo mga posts ko.
masakit na ulo ko, pero hindi pa din ako makatulog.. minsan, kahit pagod na pagod na.. hindi pa din ako madapu dapuan ng lamok.. este antok.
masyado na akong na adik sa pagkokompyuter.. aaminin ko sa inyo, hindi lahat ng ginagawa ko sa PC ay productive o di kaya'y may naidudulot na maganda.. halimbawa na lang sa mga laro sa facebook.. anak ng pusang gala, hindi ko mapigilan magpa level.. ng magpalevel.. dadating pa sa punto ng pg pepeysbuk ko na nakakalimutan ko ng kumain.. buti na lang hindi ang paliligo.. kala niyo ba gusto kong maging imba? kala niyo lang yon. ang hirap kaya. inaantok antok sa umaga pag papasok? PWEH!
ndi nmn msyadong mgulo ung mga post mo,,kung d din pupunahing tlgang mgulo!
ReplyDeleteay? hehe. meh gnon? :]]
ReplyDeleteimba :D haha
ReplyDeletemas okay ng maging imba kesa nerfed.
nerfed?
ReplyDelete