Sunday, November 22, 2009

MASAKIT.

Dati sinasabi ko hindi ako titigil. Ang dami ko ng hinarap, ang dami ko ng sermong natanggap, ang dami ng sigaw na gumulat, at ang dami ng luhang pumatak. Pero yung nangyari kahapon na ata yung hindi ko na makakayanan. Ang hirap, ang hirap pag wala ka pang napapatunayan, ang hirap pag wala ka pang nararating. Pakiramdam ko ngayon ang baba baba ko. Ang baba para hindi matrato ng gusto ko. Pakiramdam ko ngayon wala na akong puwang sa mundong yon. Pero anong magagawa ko? Hindi ako susuko, hinding hindi. Wala sa ego ni Bianca ang sumusuko sa mga pagkakataong ganito. Matatag ako. Madami ng nagdaan, madami na para matutunan ko ang mga leksyong dapat. Nagkakamali ako dahil nagkakamali din kayo. Hindi sa lahat ng panahon, ang pagiging maldita ang makakapagpabagsak sa akin. Isip bata pa ko kumpara sa mga ka~edad ko, pero hindi hadlang yon para maging isang taong gusto niyong maging ako.

Masakit. Gusto kong umiyak ng umiyak. Umiyak sa punto ng buhay kong nararamdaman kong wala akong kwenta. Ang dami ko ng galit, inis at mabibigat na emosyong dinadala sa ngayon. At alm kong magigigng maayos din ang lahat, hindi man ngayon, pero mangyayari. FAITH LANG kay LORD GOD. FAITH LANG :)

No comments:

Post a Comment