Wednesday, December 23, 2009

Cupcake.

Pakiramdam ng nag effort kang mag bake para sa isang tao, tas hindi pala kinaen at TINAPON lang? :)) Sympre masakit. Tanga na lang ang matutuwa.

Bale, may masakit na naman sakin ngayon. Alin? Puso!

Kumakaen ako sa tindahan namin non, nang bigla kong nareceived ang text galing sa trusted source. Ayon sa kanya, hindi pala kinaen yung pinaghirapan kong chocolate cupcake kasi napipi sa bag at tinapon na lang. Ang saya saya. Bigla na lamang akong huminto sa pagkaen at pumasok sa kwarto ng may teary eyes. Pagdating sa kwarto, ano expect mo? Syempre kalurking super iyak ako. Habang sinasabi ang mga katagang, "LORD, masama ba kong tao?" Huhuhuhu. Ang sakit.

Maya maya pa'y nag online ako. Online ang isa sa mga bestfriend ko kaya naisipan kong mag-share (bestfriend nga eh, what do you expect?). Sinabi ko sa kanya lahat ng hinanakit ko sa buhay. Bigla niyang tinanong kung sino yun. Maya maya pa'y hindi na siya nagreply. Sabay PM ng, "sent". HALA! Nag message siya dun sa Facebook. Ang saklap! Nabahala talaga ko, nagpanic ako. Sinabi ko sakanyang mag sorry, ayaw niya, bagay lang daw yung mga sinabi niya sa taong yun. Naku. Ano ba to. Hindi maganda ang nangyayari. Magagalit sakin yung sinabihan niya. Tsk.

Nagpunta ako sa tito ko at nagmakaawang pahiramin niya ko ng cellphone pang tawag. Tinatawagan ko yung taong yun, kaso hindi sumasagot. Malamang, malayo sa kanya ang cellphone niya.

Maya maya'y tineks ko muli ang bestfriend ko, na kung maari ba'y bawiin niya ung sinabi niya oh kaya'y mag sorry man lang. At yes! Pumayag din siya.

Mabait naman talaga yung bestfriend ko na yun e. Hindi lang niya marahil napigilan ang sarili niyang magalit sa taong bumaliwala sakin.

At ayon, nagagalit ata ngayon sakin yung taong nagsabi saking tinapon lang yung binake ko. Siya daw ang napasama. Sabi ko naman, HAYY.

Monday, December 14, 2009

Wayback, ating balikan.

ANG BLOG NA ITO ay nakareflect sa karanasan ko noon..
Walang kinalaman sa kasalukuyang panahon, walang kaugnayan sa buhay TIP ko ngayon. PROMISE,
not once, and yes, twice.

Pag naaalala ko sila, naiinis ako. Nagsisisi kung bakit pa ko napunta sa lugar na iyon. At nakilala ko ang mga taong wala namang nadulot na maganda sa buhay ko kundi sakit at kasamaan ng puso.

Naiinis ako sakanila, insensitive. Hindi mo iisiping napunta ko sa lugar na puro halimaw ang ugali ng tao. Darating sa puntong ilalaglag ka sa hagdan dahil naiingit sayo . Darating din ang mga tagpong susubukan ang mga bagay na hindi naaangkop sa edad nila. Nakakainis. Wala akong natutunan, wala akong napala. Nakakapanlumo talaga.

Nguso ng nguso, mukha namang demonyo.

Ngiting aso, mukha gago.

Minsan talaga nakakainis isiping saka mo lang malalamang nagkamali ka pag nandiyan na lahat ng epekto.

PWEH. badtrip.

Pinagsisihan na kaya nila lahat yon? O patuloy pa din sa paninidigan ginawa lang nila yon para sumaya? Oh KALOKOHAN. Isang malaking katangahan. Sabagay, it shows. HAHA.

Sunday, December 6, 2009

KAGANDAHAN.

Minsan nagpapasalamat talaga ko kasi hindi ako maganda, kasi ganito lang ako. Kasi atleast pag may nagmahal sakin hindi ako mamahalin dahil maganda LANG ako.

Mas maganda kasi pag alam mo sa sarili mong napaka dami mong imperfections pero minamahal ka parin. Hindi yung mahal ka lang kasi maganda ka.

Madami kasing taong mahal lang sila kasi maganda sila e. Nakakainis isipin. Kaya madaming nagkakahiwalay e. Nabubulag sa itchura. panget yong ganon. Kaya pag nakakakita ka ng mag jowang panget yung isa, pero masayang masaya sila, mainggit ka, at wag kang tatawa. Kasi true love yon, at yung true love na yun, hindi kailan man natatagpuan sa taong maganda LANG.

Mahalin mo muna lahat ng mali sa isang tao, bago mo mahalin ang lahat ng kagandahan sakanya. Partikular sa pisikal na anyo. Kasi pag nawala lahat ng kagandahang pisikal na yon, sa tingin mo mamahalin mo pa siya?

Mag isip ka. Mas masarap magmahal ng totoo, kesa ng taong trapo.