Wednesday, December 23, 2009

Cupcake.

Pakiramdam ng nag effort kang mag bake para sa isang tao, tas hindi pala kinaen at TINAPON lang? :)) Sympre masakit. Tanga na lang ang matutuwa.

Bale, may masakit na naman sakin ngayon. Alin? Puso!

Kumakaen ako sa tindahan namin non, nang bigla kong nareceived ang text galing sa trusted source. Ayon sa kanya, hindi pala kinaen yung pinaghirapan kong chocolate cupcake kasi napipi sa bag at tinapon na lang. Ang saya saya. Bigla na lamang akong huminto sa pagkaen at pumasok sa kwarto ng may teary eyes. Pagdating sa kwarto, ano expect mo? Syempre kalurking super iyak ako. Habang sinasabi ang mga katagang, "LORD, masama ba kong tao?" Huhuhuhu. Ang sakit.

Maya maya pa'y nag online ako. Online ang isa sa mga bestfriend ko kaya naisipan kong mag-share (bestfriend nga eh, what do you expect?). Sinabi ko sa kanya lahat ng hinanakit ko sa buhay. Bigla niyang tinanong kung sino yun. Maya maya pa'y hindi na siya nagreply. Sabay PM ng, "sent". HALA! Nag message siya dun sa Facebook. Ang saklap! Nabahala talaga ko, nagpanic ako. Sinabi ko sakanyang mag sorry, ayaw niya, bagay lang daw yung mga sinabi niya sa taong yun. Naku. Ano ba to. Hindi maganda ang nangyayari. Magagalit sakin yung sinabihan niya. Tsk.

Nagpunta ako sa tito ko at nagmakaawang pahiramin niya ko ng cellphone pang tawag. Tinatawagan ko yung taong yun, kaso hindi sumasagot. Malamang, malayo sa kanya ang cellphone niya.

Maya maya'y tineks ko muli ang bestfriend ko, na kung maari ba'y bawiin niya ung sinabi niya oh kaya'y mag sorry man lang. At yes! Pumayag din siya.

Mabait naman talaga yung bestfriend ko na yun e. Hindi lang niya marahil napigilan ang sarili niyang magalit sa taong bumaliwala sakin.

At ayon, nagagalit ata ngayon sakin yung taong nagsabi saking tinapon lang yung binake ko. Siya daw ang napasama. Sabi ko naman, HAYY.

No comments:

Post a Comment