Let GOD enter into your lives. :)
This will be updated every day, for my body can't resist it's feeling in every way. I'm not good in writing though, I just love the feeling of expressing myself freely. Welcome to the world of sadness and excitement. It's Bianca's, and it'll gonna be so real.
Tuesday, October 19, 2010
Sunday, October 10, 2010
Sloth.
I want to break it off.
But it's my body that wants them on.
Lazy-ness is continuously killing me now.
I want to eat. I want to sleep.
All day, all night--isama na natin ang midnight.
Hindi ba dapat mas lalo akong magsikap sa pagaaral dahil ngayon pa lang alam ko nang mayroon akong kapatid na pagaaralin balang araw?
Gusto kong magreview, sobrang wala lang pumapasok sa isip ko.
Dahil ba to sa mga pass events na gumimbal sa isip at katawang lupa ko?
Dahil ba to sa sadyang tamad lang ako?
Ewan ko.
Katamaran, puh-leeeeeeeese layuan mo na ko, please.
Avoiding the forbidden one(s).
No soft drink for a week or two.
Honestly, I wasn't able to comply.
I accidentally intake some sort of it.
I'm sorry, temptation is killing me.
I will not utter any verbal promises anymore.
Because it pisses me off every time I broke them.
I will not allow this crazy-ness to ruin our upcoming camp.
I will do everything to make things right even I myself has done something wrong.
Lord, please forgive me.
I was so uneasy.
Saturday, October 9, 2010
Hell week, sucks.
I don't have tons of followers here, as many followers I have in Twitter, Facebook. And I don't know what keeps me posting series of emotions taking placing my heart for the pass few months. It's just that, I am more comfortable posting feelings in a networking site, whom I know.. people will not talk about me.
Final examination week is coming. And I'm freakin' lazy reviewing my pass lessons.
I hate it. I just don't have the courage to fight with it.
Dear Laziness, for the nth time, please.. stay away from me. I need to have high grades this semester, and you effin' don't have positive effects to contribute.
I will not use Facebook for 5 days--for the full duration of my examination week, or should I say--the hell week. I know it will help a little. But staring at my books and notes feels like my body want a bed to lean on. My eyes wants to close for some reasons. Ughhh, this is eradicating my chances of getting good examination results. And I, hate it.
One more chance.
Now playing: One more chance - Piolo Pascual.
Eto yung isa sa mga kinanta sa pelikulang One More Chance.
Guess what? Eto rin yung kantang laging nakakapagpaalala sakin ng isang matamis na nakaraang gustong gusto kong balikan. Ang nakaraang hindi ko inakalang magtatapos sa isang masakit na paalam. Wala nga atang paalam na naganap. Ewan ko ha, biglang nawala eh.
Akala ko dati magiging maayos pa ang lahat. Maaayos pa ng isang usapan. Mareremodyahan pa ng matatamis na salita. As usual, akala ko lang pala.
Alam ko, kahit anong gawin ko. Hindi ka na muling babalik pa.
Alam ko, na kahit magmakaawa pa ko, hinding hindi ka na magiging akin pa. :(
Ikaw pa din ang password ng blogger ko. Ikaw pa din ang tinitibok ng puso ko.
Magiisang taon na, pero ikaw pa rin talaga eh.
Hindi ko din alam kung anong meron sayo, at hindi kita magawang kalimutan.
Hindi ko alam kung bakit ka nawala, hindi ko alam kung naging akin ka nga ba.
Ilang buwang sinuyo, isang linggo lang sumuko.
Magiisang taon na kitang minamahal, magiisang taon na kong naghihintay.
Pag-ibig na pinagtatabuyan, pag-ibig na wagas.
Pagmamahalang inaasam, pagmamahalang sana'y hindi na nagwakas.
If only I had one more chance.
A chance to make things right.
A chance to bring back the past.
A chance to ask for another chance.
Saturday, October 2, 2010
Priorities.
I therefore conclude, na hindi pala lahat ng bagay pwedeng may kasabay. I mean, hindi mo pwedeng pagsabayin ang dalawang bagay nang wala kang napapabayaang isa. May MAS mapapaboran, may MAS maiiwan.
Eto lang siguro yan, hindi pwedeng dalawa ang first priority.
Akala ko dati kaya ko, akala ko lang pala.
YFC at TIP Voice? Ang hirap.
Hangga't maari, ayokong mamili. Pero sa mga nangyayari, talagang meron at merong mapapabayaan. Gustuhin ko mang maging super active sa YFC pag layout season namin sa TIP Voice, eh hindi talaga pwede-- isa isa lang kasi Bianca, at isa ka lang Bianca.
Isa pa, andiyan pa ang acads, which is the primary reason why I go to school. Beyond others, I should put that FIRST.
Batchmate.
He was a good publication mate to everyone of us. Ka-batch ko siya. Bukod sa kahit kanino sa publication, isa siya sa mga talagang naging close ko dahil sabay kaming pumasok sa opisinang iyon.
I was shocked when I heard his story. Parang sa teleserye.
Ngayon bigla kong na-realize... ang swerte swerte ko pala kasi hindi ko kailangang magtrabaho para may pang baon. Ang swerte swerte ko pala dahil kahit anong hilingin ko sa mga magulang ko nabibigay nila ng hindi ako pinapahirapan. Ang swerte swerte ko pala dahil kumpleto ang mga magulang ko. Ang swerte swerte ko pala kasi nakakakaen ako ng kahit ilang beses ko gusto sa loob ng isang araw. Ang swerte ko pala dahil hindi ko kailangang maging sobrang talino o sobrang sipag para bigyan ng pampaaral. Ang swerte ko pala kasi hindi ako nahihirapan sa araw araw na buhay. Ang swerte ko pala kasi may panahon at pera pa ko para mag-lakwatcha.
Sa sitwasyon niya, gustong gusto ko siyang tulungan. Pero ano? Ano nga bang magagawa ko para kahit papano eh mabawasan yung hirap na nararanasan at nararamdaman niya? Siguro dasal ang isa sa mga pinaka epektibong sandatang maiibigay ko sa kanya ngayon. Kung pwede ko lang siyang dalhan ng pagkaen araw araw para hindi na niya poproblemahin kung anong klaseng sakit ang mararamdaman ng tiyan niya, gagawin ko.
Kaya ko, alam ko. Pero hanggang saan ang mararating ng araw araw na yon? Ngayon walang kasiguraduhan kung makakapasok pa siya next sem, ngayon pang huli na ang lahat para maitama niya ang mga pagkakamaling alam kong hindi naman niya sinasadya.
Naging mahalaga na siya sakin bilang isa sa mga nakakasama ko sa opisina araw araw. Naging mahalaga na siya sakin dahil isa siya sa mga nagtuturo sakin pag may mahihirap na assignment ako sa Accounting nung first year. Naging mahalaga na siya sakin dahil naging isa na siya sa naging inspirasyon ko para magsipag sa kabila ng mga balakid at pagsubok ng buhay.
Alam ko pagsubok lang yan, kayang kaya niyang lampasan 'to. Naniniwala ako, my Diyos na hinding hindi siya magagawang pabayaan.
Naging mabait siyang kaibigan, naging mabuti siyang tao.
Dasal dasal dasal..
Lord, kayo na po bahala sa kanya.
Subscribe to:
Posts (Atom)