I was shocked when I heard his story. Parang sa teleserye.
Ngayon bigla kong na-realize... ang swerte swerte ko pala kasi hindi ko kailangang magtrabaho para may pang baon. Ang swerte swerte ko pala dahil kahit anong hilingin ko sa mga magulang ko nabibigay nila ng hindi ako pinapahirapan. Ang swerte swerte ko pala dahil kumpleto ang mga magulang ko. Ang swerte swerte ko pala kasi nakakakaen ako ng kahit ilang beses ko gusto sa loob ng isang araw. Ang swerte ko pala dahil hindi ko kailangang maging sobrang talino o sobrang sipag para bigyan ng pampaaral. Ang swerte ko pala kasi hindi ako nahihirapan sa araw araw na buhay. Ang swerte ko pala kasi may panahon at pera pa ko para mag-lakwatcha.
Sa sitwasyon niya, gustong gusto ko siyang tulungan. Pero ano? Ano nga bang magagawa ko para kahit papano eh mabawasan yung hirap na nararanasan at nararamdaman niya? Siguro dasal ang isa sa mga pinaka epektibong sandatang maiibigay ko sa kanya ngayon. Kung pwede ko lang siyang dalhan ng pagkaen araw araw para hindi na niya poproblemahin kung anong klaseng sakit ang mararamdaman ng tiyan niya, gagawin ko.
Kaya ko, alam ko. Pero hanggang saan ang mararating ng araw araw na yon? Ngayon walang kasiguraduhan kung makakapasok pa siya next sem, ngayon pang huli na ang lahat para maitama niya ang mga pagkakamaling alam kong hindi naman niya sinasadya.
Naging mahalaga na siya sakin bilang isa sa mga nakakasama ko sa opisina araw araw. Naging mahalaga na siya sakin dahil isa siya sa mga nagtuturo sakin pag may mahihirap na assignment ako sa Accounting nung first year. Naging mahalaga na siya sakin dahil naging isa na siya sa naging inspirasyon ko para magsipag sa kabila ng mga balakid at pagsubok ng buhay.
Alam ko pagsubok lang yan, kayang kaya niyang lampasan 'to. Naniniwala ako, my Diyos na hinding hindi siya magagawang pabayaan.
Naging mabait siyang kaibigan, naging mabuti siyang tao.
Dasal dasal dasal..
Lord, kayo na po bahala sa kanya.
No comments:
Post a Comment