Saturday, November 20, 2010

OVERLOAD.

Kwento ng November 20, 2010 ko.
Araw para mag serve sa WEST B3  STP Youth Camp.
Excited. Masaya. :-)

Umalis ako ng bahay ng mga 3. Punta muna ko SM Sta Mesa para intayin yung kasama ko sa pagpunta ng camp. Ang tagal. Gawa ng paghihintay ko sa kanya, nag scramble muna ko, at nagbasa ng mga libro sa National Bookstore.

"Makakailang libro kaya ako ng National bago ka dumating?" HAHA! Syempre joke lang yan. Ang takot ko lang dun. Baka batukan ako, masakit yuuuuun!

Nagkita kami sa Araneta Center Cubao. Sumakay ng jeep papuntang Welcome.
Pagbaba, MetroBank agad ang hinanap ko. Yun kasi landmark ko nung venue.

Lakad dito, lakad dun.
Mahaba pa kasi yung lalakarin mula sa kanto ng Speaker Perez St. hanggang dun sa Sister's Oblates na talaga.
Lakad dito, lakad ulit don.
Kwento siya, sige makikinig ako.
Takot ko ba namang masabihang baliw pag hindi ako nakinig sa kanya. HAHAHA!

Ayan! Andiyan na kami sa venue.
Si kuya Elly na makulit agad ang sumalubong samin.
Syempre, ng may kasamang ngiti at malugod na pagbati.

It was my first time serving in a YFC community. Ang saya. Parang "wow". Ang daming iba. Ang sarap sa feeling. Ang daming bata. Ang daming bago sa paningin ko.

Nagsimula ako as a campus based, dun ko ako sanay.
Pero pagpasok pa lang namin ng Oblates, parang ang saya ko na agad.

Ewan. Ang weird. :)

Ang saya nung laro nila, sayang hindi ako nakasali.
Ayaw kasi kong samahan nung baliw kong kasama.
Eh syempre nahihiya pa ko. HAHAHA.

Kainan na! Grabe man! Dalawang chicken para sa dinner.
Ang yaman pala ng commbased!  HAHAHA!

Tongues workshop. Imba lang.
Ang imba ng tongues worship na to.
Isa na ata to sa mga imbang tongues workshop na nasalihan ko.
CLAP CLAP KUYA TUTCH! :)

Talk 4. Baptism.
Thankful ako kasi naging part ako ng pagbabaptize nung dalawang sisters na participants.

PRAISE FEST!
Oh how I love worshiping GOD. He's worthy of everything.
Sobrang thankful ulit, dahil hindi talaga ko nawawalan ng chance para i-worship siya. Hindi ako nauubusan ng panahon para magpasalamat sa lahat ng binibigay niya. Lord salamat. Minsan nga kahit hindi ko hinihingi binibigay mo eh. Ang galing mo sa buhay ko, LORD. Maraming salamat at ginawa mo kong ganito. Maraming salamat dahil kahit alam kong hindi ako worthy, bineblessed mo pa rin ako.

This day was a piece of a cake.
Pero napasaya ko nito ng bonggang bongga.
Ang sarap talaga sa feeling pag nagwoworship.
Kapag tinataas ko yung isang kamay ko, at nilalagay yung isang kamay sa puso ko.
It relieves me. It suits me. I love this feeling.
At hindi ako magsasawang gawin to habang may pagkakataon pa ko.

Salamat LORD! 
Salamat WEST B3!
Salamat saYOU! 
Salamat sa walang sawang pagsama sakin sa pagseserve. 
YOU made me smile again. :-* 

No comments:

Post a Comment