Saturday, October 9, 2010

One more chance.

Now playing: One more chance - Piolo Pascual.

Eto yung isa sa mga kinanta sa pelikulang One More Chance.
Guess what? Eto rin yung kantang laging nakakapagpaalala sakin ng isang matamis na nakaraang gustong gusto kong balikan. Ang nakaraang hindi ko inakalang magtatapos sa isang masakit na paalam. Wala nga atang paalam na naganap. Ewan ko ha, biglang nawala eh.

Akala ko dati magiging maayos pa ang lahat. Maaayos pa ng isang usapan. Mareremodyahan pa ng matatamis na salita. As usual, akala ko lang pala.

Alam ko, kahit anong gawin ko. Hindi ka na muling babalik pa.
Alam ko, na kahit magmakaawa pa ko, hinding hindi ka na magiging akin pa. :(

Ikaw pa din ang password ng blogger ko. Ikaw pa din ang tinitibok ng puso ko.
Magiisang taon na, pero ikaw pa rin talaga eh.

Hindi ko din alam kung anong meron sayo, at hindi kita magawang kalimutan.
Hindi ko alam kung bakit ka nawala, hindi ko alam kung naging akin ka nga ba.

Ilang buwang sinuyo, isang linggo lang sumuko.

Magiisang taon na kitang minamahal, magiisang taon na kong naghihintay.
Pag-ibig na pinagtatabuyan, pag-ibig na wagas.
Pagmamahalang inaasam, pagmamahalang sana'y hindi na nagwakas.

If only I had one more chance.
A chance to make things right.
A chance to bring back the past.
A chance to ask for another chance.

Saturday, October 2, 2010

Priorities.

I therefore conclude, na hindi pala lahat ng bagay pwedeng may kasabay. I mean, hindi mo pwedeng pagsabayin ang dalawang bagay nang wala kang napapabayaang isa. May MAS mapapaboran, may MAS maiiwan.

Eto lang siguro yan, hindi pwedeng dalawa ang first priority.

Akala ko dati kaya ko, akala ko lang pala.

YFC at TIP Voice? Ang hirap.

Hangga't maari, ayokong mamili. Pero sa mga nangyayari, talagang meron at merong mapapabayaan. Gustuhin ko mang maging super active sa YFC pag layout season namin sa TIP Voice, eh hindi talaga pwede-- isa isa lang kasi Bianca, at isa ka lang Bianca.

Isa pa, andiyan pa ang acads, which is the primary reason why I go to school. Beyond others, I should put that FIRST.

Batchmate.

He was a good publication mate to everyone of us. Ka-batch ko siya. Bukod sa kahit kanino sa publication, isa siya sa mga talagang naging close ko dahil sabay kaming pumasok sa opisinang iyon.

I was shocked when I heard his story. Parang sa teleserye.

Ngayon bigla kong na-realize... ang swerte swerte ko pala kasi hindi ko kailangang magtrabaho para may pang baon. Ang swerte swerte ko pala dahil kahit anong hilingin ko sa mga magulang ko nabibigay nila ng hindi ako pinapahirapan. Ang swerte swerte ko pala dahil kumpleto ang mga magulang ko. Ang swerte swerte ko pala kasi nakakakaen ako ng kahit ilang beses ko gusto sa loob ng isang araw. Ang swerte ko pala dahil hindi ko kailangang maging sobrang talino o sobrang sipag para bigyan ng pampaaral. Ang swerte ko pala kasi hindi ako nahihirapan sa araw araw na buhay. Ang swerte ko pala kasi may panahon at pera pa ko para mag-lakwatcha.

Sa sitwasyon niya, gustong gusto ko siyang tulungan. Pero ano? Ano nga bang magagawa ko para kahit papano eh mabawasan yung hirap na nararanasan at nararamdaman niya? Siguro dasal ang isa sa mga pinaka epektibong sandatang maiibigay ko sa kanya ngayon. Kung pwede ko lang siyang dalhan ng pagkaen araw araw para hindi na niya poproblemahin kung anong klaseng sakit ang mararamdaman ng tiyan niya, gagawin ko.

Kaya ko, alam ko. Pero hanggang saan ang mararating ng araw araw na yon? Ngayon walang kasiguraduhan kung makakapasok pa siya next sem, ngayon pang huli na ang lahat para maitama niya ang mga pagkakamaling alam kong hindi naman niya sinasadya.

Naging mahalaga na siya sakin bilang isa sa mga nakakasama ko sa opisina araw araw. Naging mahalaga na siya sakin dahil isa siya sa mga nagtuturo sakin pag may mahihirap na assignment ako sa Accounting nung first year. Naging mahalaga na siya sakin dahil naging isa na siya sa naging inspirasyon ko para magsipag sa kabila ng mga balakid at pagsubok ng buhay.

Alam ko pagsubok lang yan, kayang kaya niyang lampasan 'to. Naniniwala ako, my Diyos na hinding hindi siya magagawang pabayaan.

Naging mabait siyang kaibigan, naging mabuti siyang tao.

Dasal dasal dasal..

Lord, kayo na po bahala sa kanya.

Saturday, September 25, 2010

Things can change.

Of course, we don't have the power to get things beyond our control. No matter how we tried to change a thing, it will never change and it will never be. It hurts, I know. But this instances will always make our life worth striving. This circumstances will always make us strong.

On the other hand, things can change. We should not speak to judge the final scene without watching the whole movie. There's nothing wrong with thinking positive, of course, in life's endless loopholes, thinking positive will be the best thing we could do. It's the expectation that makes the feelings scramble.
I miss you.

But no matter how great I miss you, I still can't have you.

This will remain as the hardest part of waking up in the morning.

But believe me, I can handle this--someday, I'll be that 100% okay.

God is with me, with us. He has plans, and I know it'll be better.

I love God more than anything. I must, and I should. It's not because I have to, but because I want to.