Sunday, November 22, 2009

MASAKIT.

Dati sinasabi ko hindi ako titigil. Ang dami ko ng hinarap, ang dami ko ng sermong natanggap, ang dami ng sigaw na gumulat, at ang dami ng luhang pumatak. Pero yung nangyari kahapon na ata yung hindi ko na makakayanan. Ang hirap, ang hirap pag wala ka pang napapatunayan, ang hirap pag wala ka pang nararating. Pakiramdam ko ngayon ang baba baba ko. Ang baba para hindi matrato ng gusto ko. Pakiramdam ko ngayon wala na akong puwang sa mundong yon. Pero anong magagawa ko? Hindi ako susuko, hinding hindi. Wala sa ego ni Bianca ang sumusuko sa mga pagkakataong ganito. Matatag ako. Madami ng nagdaan, madami na para matutunan ko ang mga leksyong dapat. Nagkakamali ako dahil nagkakamali din kayo. Hindi sa lahat ng panahon, ang pagiging maldita ang makakapagpabagsak sa akin. Isip bata pa ko kumpara sa mga ka~edad ko, pero hindi hadlang yon para maging isang taong gusto niyong maging ako.

Masakit. Gusto kong umiyak ng umiyak. Umiyak sa punto ng buhay kong nararamdaman kong wala akong kwenta. Ang dami ko ng galit, inis at mabibigat na emosyong dinadala sa ngayon. At alm kong magigigng maayos din ang lahat, hindi man ngayon, pero mangyayari. FAITH LANG kay LORD GOD. FAITH LANG :)

Monday, November 16, 2009

nararamdaman ko ngayon.

nako.. hindi ako nalungkot. nagsorry lang ako ky God, dahil aminado ko sa sarili ko na nagkamali ako. aminado kong my nasabi akong hindi kanais nais, at dahil doon, nagsisisi ako. Pero alam ko din sa sarili kong my tama ako, bilang isang taong nabubuhay sa mundong ito, at bilang isang taong nagmamahal

-- bilang isang taong marunong makaintindi, may karapatang mangatwiran, at may puwang sa mundo.

sa paglipas ng panahon, madami tlga kong ntutunan. minsan matatawa na lang ako pag naaalala ko ung mga dati kong nagawa. at sa nangyaring ito.. sobrang my mali din ako, hindi ko napigilan na naman ang emosyon, at dahil doon, alam kong my nasaktan talaga, pero hindi ibig sabihin ng pag aming ito, eh inaamin q na ding mali ung gusto kong iparating noh. xD ang storya laging may dalawang side. hindi ko lang alm kung pano mag justify at mangatwiran ng tama. kahanga hanga ang mga law students alam nila ang tama sa mali, kung pano i~handle ang mga pagtatalong ganito.

eto pa, bata pa kami, bata pa tayo. para problemahin ang mga bagay na ganito.. tgnan mo sa paglipas ng panahon, pag tungtong nten ng bente. at maaalala nmen ni _____ na nagaway kami dahil dito, tatawa na lang kami ng bonggang bongga.

sa edad ko ksng eto, madami na akong maexperience.. sobrang dami na, kumpara sa normal na naexxperience na bata. madaming emosyon na ang dumaan, madaming masasakit na pangyayari nadin ang naranasan, pero lahat un, ay dumating para maghatid ng leksyon, leksyng hindi ko makakalimutan. at alm kong etong ky _____,, ginawa lang to ni God para mapagtibay ang isa't isa.

kahit naman anong landi oh sama ng isang tao, tao pa din siya e. walang taong likas na masama. walang taong ubod ng sama para hindi maintndhan. kahit naman gnun yun meh pngsmahan kme, hindi isang lalake ang mkkpghiwalay non. pero hindi ko sinasabing naiintndhan q na siya ngaun, masakit pa rin kasi, at wala ako sa posisyon para magpatawad.

Wednesday, October 28, 2009

Untitled.

Nang nabasa ko ang blog ni ate Cherry, na inspire na naman ako. Dapat pa ba kong magpasalamat dahil nasa mundo pa ang mahal ko? Dapat pa ba kong magpasalamat dahil lagi lagi ko pa siyang nakikita? Dapat pa ba kong magpasalamat dahil kahit childish at Overacting ang tingin sa akin ng mahal ko e, nararamdaman ko pa din siya?

Ewan ko, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sabi nila, Move on, Move forward. Pero bakit parang ang hirap? Ang hirap tanggaping hindi ka kayang mahalin ng taong mahal na mahal mo? Ang hirap isiping kahit pilitin mong kalimutan siya, e andiyan pa din ang masaklap na katotohanang hinding hindi ka niya hahabulin at pipigilan.

Bata pa siguro ko para maintindihan ang mga bagay na bagay na ganito. Hindi ko nga dapat prinoproblema to e? Hindi ko deserve malungkot ng ganito.

Pero bakit sa tuwing makikita ko siya e parang ang saya saya parin ng araw? Kahit hindi niya ko pinapansin, kahit hindi niya ko kinakausap, kahit binabalewala niya ako at ginagawang tanga? E masaya na ako makita lang siya? Hay buhay. **buntong hininga**

Sa pagpasok ko sa Voice, hindi ko inexpected na magiging ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko lubos isiping maiinlove ako ng ganito sa Editor pa.

Pero sa bawat araw na dadaan, lagi kong nasasabi sa sarili ko, "Bianca, tama pa ba to?" baka naman kasi masyado na kong nagiging obsessed. **HOHOHOHO.**

Ikaw na magdukotng, tinatamad na ako.

Monday, October 26, 2009

TURN OFF~ed. :D




"crush na crush ko siya.. nababaliw ako pag nakikita ko siya.. pero ganon pala siya.. hindi kasing ganda ng tingin ko sa kanya ang ugali niyang mas mabaho pa sa nabubulok na ewan sa daanan papuntang pasig river.."

-- line ko ngayon.. para sa crush kong napaka hangin.. yung tipong kailangan ko pang kumapit pag makakasalubong o makikita ko siya.

una ko siyang makita nung practice para sa darating na English Conversation Contest para sa English week. Nagpapractice kami kung pano mag deliver ng English sentence in a nice way. Each department has 2 groups to represent. Nandun ako sa grupo ng BSBA, at andun naman siya sa grupo ng BSA.. both groups are part of the College of the Business Administration department, so yon ang 2 groups na lalaban for the said English Contest.

Our dear teachers asked us, na kung pwede eh mag deliver kami ng English Conversation, practice na rin yon.

Nauna sila, with the unexpected topic na pag ulan ng niyebe. WOW! Very well delivered, ang galing niyang mag English. Hanga ako sa mga lalakeng kyang mg english confidently without any doubt na baka mali ang grammar. Pero itong lalaking ito, ang galing galing talaga. I never expected him to be good as that, be more good as what I expected.

madalas ko siyang makita, dahil na rin siguro we both belong in CBE department. We both have our classes in Founder's Hall.

nang sa isang banda.. nalaman ko ang ugali niya..

ayon sa aking reliable source, mayabang daw pla c krasss :D

ngsalita daw yon ng "if you do not know what a nature friendly is, you're an idiot.."

ABA ABA.

sa isang tagpo..

Nakita ko mga kaklase ko sa isang table sa study area.. bigla xang lumapit dahil kilala din siya ng mga kaklase ko..

eto ang naging conversation:

siya : scholar ka ba?
ako: hindi e.
siya: ah bakit? voice ka db? bakit hindi ka scholar?
(aba, nasa accent niya na parang ang gusto niyang palabasin na.. bobo pla ako, bat ako nasa voice?)
ako : ah.. bakit ikaw?
siya : inaayos pa ng prof ko e.. si mam regalado kasi e, 2.25 lang binigay skn, PINAKAMATAAS na niya yon saming BSA.
ako : eh ano ba average mo?
siya : 1.78 (sa accent na mayabang)

umalis ako, nayabangan ako e..

HAPON na noon,

habang hinihintay ang mga kavoice ko sa bandang study area, lumapit muna ko sa mga kaklase ko ulit para tanungin sila kung nakapag enroll na sila..

eh andun na naman siya..

tinanung niya sakin kung pano maging parte ng dyaryo.. sabi ko exams, training, task phase ganyan..

tas sabi niya.. "ba't ko pa kailangang mag exam eh head artist lang naman gusto ko? yung exam naman halos pang writers lang.."

sabi ko, "hindi din.. kasi bawat designation may kanya kanya ding exam..at kailangan flexible, hindi purket hindi ka writer hindi ka na magsusulat.."

tas sabi niya lang.. "eh ano ka ba don?"

sbi ko, "trainee.. layout artist.."

sabi ba naman.. "layout artist lang pala e"

ABA.. P***

walang dyaryo kung walang layout artist!!!!!!

nakakagigil.. nakakapika..

sumigaw ako sabay tulak sa upuan..

"hindi porket BSA ka gnyan ka na magyabang a.. mag exam ka, tignan naten kung makapasa ka! hindi lahat ng tao kasing baba katulad ng iniisip mo.. hindi lang ikaw ang magaling sa mundo.."

yun lamang. salamat kaibigan.

--END--

Sunday, October 25, 2009

Sobrang Magulo.


madaling araw na naman.. nakatakda akong umalis mamaya (oct 26 2009) para pumunta sa pinakamamahal kong eskwelahan para mg enroll para sa second sem at para mgpunta sa office ng Voice para sa nakatakdang general cleaning..

zzzz. wala akong balak matulog.. kaya magbablog ako.

gusto kong baguhin ang pagiging imbalance, "IMBA" kung paiksiin..

hindi ko alam kung bakit ganito.. marahil.. simula pagkabata ay hindi ako nasanay matulog ng maaga. (isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi ako tumatangkad at tumataba.. binte lang lumalaki sakin.. tapos wala na..malakas naman akong kumaen.. henako, ewan ko ba.. ayoko ng mag isip pa. ang sakit sa bangs, kahit wala ako nun.)

nitong nagdaang mga linggo.. maraming nangyari sa buhay ko na talagang hindi ko lubos maisip na ganon.. nariyan ang pagtatakwil sa akin ng isang kaibigan, nariyan ang hindi nakapagsayaw dahil sa katangahan.. nariyan ang hindi pagsunod sa magulang at nariyan ang pagkadismaya sa schedule na hindi ko kayang panindigan..

minsan sa buhay ng tao.. hindi mahalaga kung ano ka.. hindi mahalaga kung ano ang nasa loob mo.. nakakainis lang pag dadating sa punto ng buhay mong.. alam mong ikaw yung tama pero walang kumakampi sayo.

bakit may mga taong nakahandang kumampi sa mali? masabi lang na isa siyang mabuting kaibigan?

ewan ko ba, tao nga naman. Magulo. Sobrang gulo.

I can't deny the fact na magulo din ang mga blog archive ko.

Pa segway segway ang kwento..

ako kasi ung blogger na kung ano sabihin ng utak, sulat.. sige sulat.. eh sadyang magulo ang YUUTAK ko, kaya magulo mga posts ko.

masakit na ulo ko, pero hindi pa din ako makatulog.. minsan, kahit pagod na pagod na.. hindi pa din ako madapu dapuan ng lamok.. este antok.

masyado na akong na adik sa pagkokompyuter.. aaminin ko sa inyo, hindi lahat ng ginagawa ko sa PC ay productive o di kaya'y may naidudulot na maganda.. halimbawa na lang sa mga laro sa facebook.. anak ng pusang gala, hindi ko mapigilan magpa level.. ng magpalevel.. dadating pa sa punto ng pg pepeysbuk ko na nakakalimutan ko ng kumain.. buti na lang hindi ang paliligo.. kala niyo ba gusto kong maging imba? kala niyo lang yon. ang hirap kaya. inaantok antok sa umaga pag papasok? PWEH!