Wednesday, October 28, 2009

Untitled.

Nang nabasa ko ang blog ni ate Cherry, na inspire na naman ako. Dapat pa ba kong magpasalamat dahil nasa mundo pa ang mahal ko? Dapat pa ba kong magpasalamat dahil lagi lagi ko pa siyang nakikita? Dapat pa ba kong magpasalamat dahil kahit childish at Overacting ang tingin sa akin ng mahal ko e, nararamdaman ko pa din siya?

Ewan ko, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sabi nila, Move on, Move forward. Pero bakit parang ang hirap? Ang hirap tanggaping hindi ka kayang mahalin ng taong mahal na mahal mo? Ang hirap isiping kahit pilitin mong kalimutan siya, e andiyan pa din ang masaklap na katotohanang hinding hindi ka niya hahabulin at pipigilan.

Bata pa siguro ko para maintindihan ang mga bagay na bagay na ganito. Hindi ko nga dapat prinoproblema to e? Hindi ko deserve malungkot ng ganito.

Pero bakit sa tuwing makikita ko siya e parang ang saya saya parin ng araw? Kahit hindi niya ko pinapansin, kahit hindi niya ko kinakausap, kahit binabalewala niya ako at ginagawang tanga? E masaya na ako makita lang siya? Hay buhay. **buntong hininga**

Sa pagpasok ko sa Voice, hindi ko inexpected na magiging ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko lubos isiping maiinlove ako ng ganito sa Editor pa.

Pero sa bawat araw na dadaan, lagi kong nasasabi sa sarili ko, "Bianca, tama pa ba to?" baka naman kasi masyado na kong nagiging obsessed. **HOHOHOHO.**

Ikaw na magdukotng, tinatamad na ako.

No comments:

Post a Comment